by Madelene de Borja
Isang marka sa kasaysayan ang napagtagumpayan na sama-samang pagkilos ng mga Pilipino sa nakalipas na People Power Revolution. Hindi nalalayo ang laban noon sa laban na kinakaharap ng mga kabataan ngayon -ang tumindig para sa karapatan ng bawat Pilipino.
Nang nakaraang Marso inilunsad ang "People Power: Sa Lente ng mga Milenyal Short Film Making Contest" na may temang “Perspektibo ng mga Kabatang Milenyal Ukol sa Pagmamahal sa Bayan Tungo sa Mapayapang Pagbabago".
Isang malaking pagbati para sa mga finalist:
"Eksibit" by Sosyal sa Media Films, "Anuna?" by Zaluba Productions, at "Yapak ng Alsa" by Primus Oculus Productions, para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pagpapaalab at pagbibigay buhay sa ng pagmamahal sa bayan.
Isa ring malugod na pasasalamat para sa mga tao sa likod ng programang ito. Ang inisyatibong ito ay inilunsad kasama ang mga batikan sa industriya ng pelikula na sina Jim Paredes of ABKD Events and Productions, Marian Roces of TAO, Inc., Jedd Dumaguina of UP Film Institute, Monoxide Works, Hector Calma of UP Film Institute, Monoxide Works.
Sa panahon na ang karapatan at demokrasya ay sinasamantala ng mapaniil na administrasyon, ang pagpapaigting ng pagmamahal para sa bayan ang magiging sandata upang sama-samang ipaglaban ang ating kalayaan.