Pahayag ng Kaya Natin! Movement ukol sa Quo Warranto laban sa ABS-CBN

Tumitindig ang Kaya Natin! sa kahalagahan ng malayang pagpapahayag sa bansa. Ang quo warranto na inihain ng Solicitor General laban sa ABS-CBN ay manipestasyon ng pag-abuso sa kapangyarihan at panggigipit. Naniniwala kami na anumang reklamo o opinyon hinggil sa ABS-CBN ay dapat idulog sa Kongreso na siyang may pananagutan sa pagbibigay ng prangkisa.

 

Sa isyung ito, tinatawagan namin ang atensyon ng Kongreso ukol sa agarang pag-resolba ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito ay hindi lamang sa pagtataguyod ng kalayaang pagpapahayag, kung hindi maging sa mahigit sampung libong manggagawa na maaring mawalan ng trabaho.

 

Higit sa lahat, kaisa ang Kaya Natin! sa pagtataguyod ng katotohanan at kamalayan sa mga mahahalagang pangyayari sa bansa.

 

 

AMIE M. HERNANDEZ

Executive Director