Pahayag ng Kaya Natin! Movement ukol sa drug war report ni VP Leni Robredo

Ang isinumiteng report ni VP Leni Robredo ay isang malinaw na pagpapakita ng kakulangan ng ating administrasyon sa laban kontra illegal na droga. Sa mga numerong nakuha at mga suhestyong mayroon ang ating bise presidente, bakit hindi iyon ang binigyang pansin? Nasaan ba talaga ang direksyon ng laban? Sa pagsugpo sa droga? O sa kapwa-politiko?

 

Libo-libong inosenteng Pilipino na ang nahatulan at namatay, libo-libong buhay na hindi na maibabalik dahil lamang sa pagkukulang ng pamahalaan masolusyunan ito ng ayos at wasto. Ang laban natin kontra ilegal na droga ay hindi laban sa pag-hangad ng kapangyarihan,

 

Mga mahihirap ang kalimitang naging saspek at s'yang pinapahirapan o kinikitilan ng buhay. 'Yan ang maliwanag na aral na hango sa istatistika sa inilahad ng report ni VP Leni. Kung yun lamang mga walang kalabanlaban ang tinutumba ng War on Drugs, nasaan ang katarungan?

 

Sa ulat ni VP Leni, higit na mas nararapat ang bagong perspektibo at istratehiya sa pag-sugpo natin sa ilegal na droga: na ang tunay na kalaban ay ang mga drug lords at mga opisyal ng pamahalaan na pikit-matang hinahayaan lamang ito.

 

Patuloy na sinusuportahan ng Kaya Natin! Movement ang mga inisyatibo at hakbang na nararapat sa ating pagka-panalo laban sa illegal na droga sa bansa. Ang labang ito ay hindi lamang laban ng iilan, kung hindi laban ng bawat isa sa atin.

 

Sinusuportahan ng Kaya Natin! Movement si Vice President Leni Robredo sa pagkilos upang maging isang health concern ang problemang ito, na 'di masusolusyonan ng tahasang pagpatay ng kapwa natin inosenteng Pilipino.